Sa aking pagnanais na kahit papano maintindihan ko sana lalo ang hindi mamatay matay na isyu tungkol sa nakaraang art exhibit sa CCP na pinagatang “Kulo“, kung saan kasamang nakilahok sa iba pang mga alagad ng sining si Mideo Cruz, pinilit kong maghanap ng mga larawan at videos. Ang kanyang obra, na kanyang tinawag na Poleteismo, ay lumikha ng ingay at sari-saring opinion.
Nang aking unang masilayan ang installation art ni Mideo Cruz na kanyang tinawag na Poleteismo, aking napagtanto na ang obrang ito ay hindi aani ng positibong reaksyon sa mga hindi progresibo ang pananaw pagdating sa sining. Symbolic realism ang agad na pumasok sa isipan ko noong makita ko ang imahe ni Hesus attached with a phallus.
Ang unang tanong na pumasok sa isip ko ay “ano ang posibleng naiisip ni #mideocruz na koneksyon ng dalawang bagay na ito sa kanyang nais iparating sa pamamagitan ng arte? Anong social relevance ang pwede kong makita sa obrang ito?”
Ang unang pumasok sa isip ko ay ang tungkol sa mga eskandalong kinaharap ng mga kaparian sa ibang panig ng mundo na may kinalaman sa mga alegasyon ng child abuse/sexual abuses at ang sinasabing cover-up ng Vatican na sinasabi ding ilang dekada nang nangyayari.
Ang naging interpretasyon ko sa obra ni Mideo Cruz ay para bagang ipinapamukha ng obra na ang Simbahan mismo ang nagdedesecrate sa kabanalan ng Panginoon. Parang sinasabi nito na ang mga pang-aabuso ng mga pari sa mga bata ay pagyurak mismo sa kabanalan ni Hesus at sa mga turo ng Simbahan; at ang gawaing ito ng mga Banal ay kanilang alay sa panginoong Hesus na mayroong basbas mula sa Vatican (ito ang aking interpretasyon dun sa pagkakadikit ng phallus sa mukha ng imahen ni Hesus).
Hindi ko rin sigurado kung tama ang basa ko; pero naging mas maliwanag sa akin kung bakit ito ang mga bagay na ginamit ni Mideo sa kanyang obra. Marami ang nagsasabing sana iba na lang ang ginamit na objects ni Mideo Cruz.
Sa tingin ko, hindi siguro maging kasing epektibo ng mga ginamit na simbolismo upang mailarawan ang adhikaing gustong ipakita ni Mideo Cruz kung hindi ang imahen/mukha ni Hesus na merong nakadikit na phallus ang mga ginamit niya. I can’t think of a more effective one kasi, baka kayo merong maisip na alternative objects sanang ginamit niya to get his message accross?
Katoliko din ako and I must admit, repulsive ang obra sa unang tingin. It took me a lot of courage to maintain a detached and critical stance while I continued to scrutinize it further. Kasabay ng prosesong ito, napagtanto ko din na ang aking cultural sensitivities ang nagrereact. Hindi ang aking pananampalataya.
Sa ngalan ng balanseng pang-intindi sa pinanggagalingan din ni Mideo Cruz, hindi ko sasaklawan ang kanyang karapatan to exercise his freedom of expression. At the same time, akin din ang karapatan whether to patronize/support his kind of art o hindi. Hindi ko siya sasaklawan sa kung papaano niya gustong isasabuhay ang kanyang artistic nature, siya naman ang magdadala ng mga konsekwensya nito. Pero nasa akin din ang kontrol sa pagpapasya kung hahayaan kong maapektuhan ako ng obrang ito o hindi.
Kung meron man akong sasabihin siguro kay Mideo Cruz, eto na lang – “Laws control the lesser man… Right conduct controls the greater one.” Hiniram ko po yan kay Mark Twain.
At bilang panghuli, gusto kong sabihin na hindi ko bibilhin ang obrang ito ni Mideo at hindi ko ididisplay sa loob ng bahay ko; it’s not my kind of art. Pero kung meron akong kaibigan who patronizes such kind or art, pwede akong bumili ng kagaya nito bilang regalo.
©2011leofinajanegalleta
Related articles
- Where Art Thou? (drippingmind.wordpress.com)
Made a lot of sense bro… Thanks for your blog